Postal Consciousness Week Celebration

Bilang bahagi ng taunang pagdiriwang ng Postal Consciousness Week ay nagsagawa sa Regional Office ng Thanksgiving Mass (Nov. 10), Blood letting (Nov. 11), at Fun Games (Nov. 12).

Ang mga nagwagi sa ginawang Fun-Games ay ang mga sumusunod:
  1. Dodgeball - Male - Regional Office; Female - Rizal District
  2. Message Relay - Laguna District
  3. Family Apir - Regional Office
  4. Egg Fan - Male - Rizal District; Female - Cavite District
  5. Sack Race - Laguna District
  6. Pinoy Henyo - Batangas District
  7. Singing Contest - Regional Office
Congratulations sa lahat ng winners at maraming-maraming SALAMAT PO sa lahat ng nakiisa sa selebrasyon. Kita-kits po tayo sa susunod na selebrasyon.

ALAM NYO NA BA?

Latest Reassignment...

Sa bisa ng Philpost Personnel Order No. 10-15 na may petsa 10 Nobyembre 2010, Si RD Maura M. Baghari-Regis ay inilipat sa National Capital Region (NCR) at si RD Robert S. MondoƱedo naman ang itinalaga upang pamunuan ang Region 4.

Alinsunod naman sa Philpost Personnel Order No. 10-16 na may petsa 18 Nobyembre 2010, ay ibinalik na ang APMGs sa kanilang mga "Mother Station" kung kaya't si APMG Luis D. Carlos na muli ang para sa Marketing and Business Development, APMG Froilan C. Tejada sa HRD and Training, APMG Mama S. Lalanto sa Administration at si OIC Antonio Z. de Guzman ang sa Operations (in concurrent capacity).

Assessment and Revenue Enhancement Meeting

Ginanap nuong Oktubre 28 at 29, 2010 sa Business Operations Center sa Central Office ang Assessment and Revenue Enhancement Meeting (for CY 2009 and CY 2010, 1st Quarter).

Nagkaroon ng pag-uulat (situational report) ang lahat ng Regional Directors, Center Directors at APMGs. Ang pagpupulong ay isinagawa upang malaman ang katayuan ng korporasyon sa lahat ng aspeto at upang matugunan ang mga suliranin kinakaharap nito.

Strategic Planning 2011



Ang taunang pagsasagawa ng Strategic Planning ay ginanap sa Villa Gregoria, Nagcarlan, Laguna nuong Oktubre 21-22, 2010. Layunin ng pagpupulong ang makabuo ng isang "ACTION PLAN" na gagamitin ng bawat kawani upang lalo pang mapataas ang antas ng serbisyo sa taong 2011.