Alam Nyo Na Ba?

Board Resolution No. 2009-59 petasa 23 Hulyo 2009 "Authorizing the fifty percent (50%) reduction of the number of Postal District Managers in the Philippine Postal Corporation."
  • Sa layuning makabawas ng buwanang gastusin ang korporasyon, naglabas ang "Board of Directors" ng ating tanggapan ng resolusyon na nagpapahintulot sa mga panrehiyong tanggapan na magbawas ng distrito upang makabawas ng nakatalagang Postal District Managers na binabayaran ng representasyon at transportation allowance (RATA).
Regional Office Order No. 09-69 petsa 19 Agosto 2009 "Redistricting in Postal Region IV"
  • Alinsunod sa Board Resolution No. 2009-59 ang ating panrehiyong tanggapan ay nagbawas ng mga bilang ng distrito. Mula sa labing tatlo (13) ay ginawa na lamang itong pito (7) at ang mga ito ay ang sumusunod:
  1. Batangas at Romblon
  2. Cavite
  3. Laguna
  4. Mindoro (Occidental at Oriental)
  5. Palawan
  6. Quezon at Marinduque
  7. Rizal
Provident Fund Office Logo and Slogan Contest, petsa 16 September 2009
  • Ito ay paanyaya sa lahat na makilahok sa Logo and Slogan Contest ng PPC-Provident Fund Office para sa ika-16 na taong anibersaryo nito sa 14 ng Oktubre 2009.

No comments: